Mga tagasunod

BOOK 2: "13th Floor"

Ang mga sumusunod na kwento ay base lamang sa malikhaing pagiisip ng may likha. Kung may mga pangalan, pangyayari, lugar, o bagay na tumutugma sa anumang kwento ay pawang nagkataon lamang.










13th Floor


          Sinasabi sa mga pamahiin na malas raw ang numerong trese (13) sa anumang uri ng aspeto, mapa-petsa, kaarawan, palapag ng isang gusali, at iba pang bagay, kayanaman, maraming tao ang natatakot at umiiwas numerong trese (13).
Ang mga ibang nagtataasang mga establishemento ay walang ikalabing tatlong palapag sapagkat naniniwala ang mga may-ari na magdadala ito umano na kamalasan sa kanilang mga negosyo at personal na buhay. Kayanaman, pagkatapos ng ikalabing dalawang palapag ay ikalabing apat na palapag  ang itatawag dito imbis na ikalabing tatlo.
Ngunit sa isang lumang establishemento sa Paranaque City ay may ikalabing tatlong palapag. Dito nagtatrabaho si Enrico Katampalasan, isang Customer Care Representative kilala sa tawag na 'Call Center Agent.'
Si Enrico, edad 24 ay bago pa lang sa kumpanyang iyon at siya ay nag-apply sa posisyon bilang isang Call Center. Si Enrico ay nagtapos ng Nursing at nais niyang matupad ang kanyang pangarap na maging isang nurse. Habang naghihintay siya ng  resulta ng board exam, ay nag-apply muna siya bilang isang Call Center Agent.
Simula ng matanggap siya sa trabaho, siya ay na-assign sa ikalabing tatlong palapag ng gusaling iyon. Tulad ng iba, para kay Enrico ay malas ang dalang dulot ng numerong trese.
Nagsimula ang paniniwala ni Enrico na malas ang numerong trese noong labing tatlong taon gulang siya. Namatay kasi ang mga magulang niya sa isang aksidente at siya lamang ang tanging nakaligtas. Friday the 13th din iyon kaya doble malas para sa kanya ang numerong trese.
Labag man sa kalooban ang pagkaka- assign sa kanya sa ikalabing tatlong palapag, ay tinanggap na lamang niya ito. Siya ay nalagay sa graveyard shift. Sa shift na yun, tanging 3 lamang silang empleyado ang nagtatrabaho. Bilang isang graveyard shifter, gising sila sa gabi at tulog sila sa umaga. Sina Abi, James, at Enrico ang magkakaramay sa ikalabing tatlong palapag.
Isang araw, wala masyadong tawag na pumapasok kaya napagpasyahan ng tatlo na magkwentuhan tungkol sa mga kababalaghan na nangyayari sa kanilang palapag.

 "Tutal bago ka pa naman dito Enrico eh dapat malaman mo na may mga nagpaparamdam na mga multo dito sa 13th floor," kwento ni Abi.

 "Oo nga tol, isang beses nga habang nagsasalamin ako sa CR, nakita ko talaga sa may salamin na may kamay na nakakapit sa balikat ko. Pero nung paglingon ko, wala naman." kwento ni James.

"Grabe naman pala dito. Teka, 'di ba kayo natatakot?" tanong ni Enrico.

 "Nung una pero sanayan na lang yan." tugon ni James.

 "Mas grabe yung naexperience ko. Nagta-type ako ng mga assignments ko ng biglang may naririnig akong nagtatawanang mga lalaki. Nakakatakot yung mga boses nila. Wala namang ibang tao noon." dagdag pa ni Abi.

 "Hahahahaha... Grabe pala mga ganyang bagay. Hindi kasi ako naniniwala sa mga multo hangga't 'di ako nakakakita." Sagot ni Enrico.

Bumalik na sa trabaho ang tatlong empleyado na nagtatrabaho sa ikalabing tatlong palapag ng gusali. Wala masyadong tawag sa mga oras na iyon, Hanggang sa isang ring mula sa telepono ang narinig ni Abi.

Lalaki sa telepono: "Hello, Abi."

Abi: "Hi? Sorry Sir, We can't entertain personal calls. How did you know my name?"

Lalaki sa telepono: "Kilala kita, isa kang kabit at may asawa ka na at nagpalaglag ka ng anak mo."

Abi: "Hayop ka! Wala akong pakialam kung naka record ang pag-uusap natin. Kung wala kang magawa, wag ka ng tumawag ulit!" iyak na sagot ni Abi.

Lalaki sa telepono: "Nagpalaglag ka ng dalawang beses, may karelasyon ka kahit may asawa ka na. Hahahahaha.... siya nga pala, huling araw mo na ngayon."

Tut... tut... tut...

Hindi na nakasagot si Abi dahil ibinaba na ng caller ang telepono. Agad namang pinuntahan ni James at Enrico si Abi dahil narinig nila itong umiiyak.

"Anong nangyari Abi, bakit ka umiiyak?" tanong ni Marco.

"Walang hiyang caller na yun. Kung ano anong mga pinagsasabi. Nasaktan lang ako." sagot ni Abi.

 "Hayaan na natin mga ganyang tao. Kasama iyan sa trabaho natin, kaya huwag tayong papaapekto." sagot ni James.

Sumikat na ang araw at ang tatlong empleyado ay nagliligpit na upang maghanda ng umalis.
Isinulat ni Abi sa kanyang diary ang mga pangyayaring naganap sa magdamag ng biglang mapansin na may mga bahid ng dugo ang isang pahina ng kanyang diary. Inakala lamang niya ito na natapunan ng catsup.
"Guys una na ako sa inyo ha? May pupuntahan pa kasi ako eh." paalam ni Abi.

"Sige Abi ingat ka." sagot ni James.

Nauna nang umalis si Abi at ang dalawang natitira ay naghahanda na rin.

"Pre punta lang ako sa CR. Sabay na tayo umuwi." Sabi ni Enrico.

Pumunta si Enrico sa CR. Napansin niyang bukas ang gripo ng lababo kaya pinatay niya ito. Napatingin siya sa salamin. Poging pogi siya sa sarili niya habang nagsasalamin ng may bigla siyang narinig na nagpakabog sa kanyang dibdib.

"Mamamatay ka!"

"Huwag! parang awa mo na!"

"Takbo! tumakbo ka na!"

"Huwag... huwag...!"

"Ahahaaha binenta mo na ang kaluluwa mo sa demonyo!"

"Sino yan?" tanong ni Enrico.

Sinilip niya ang mga cubicle ng banyo at tinignan kung may kaninong boses ang mga naririnig niya. Nang wala siyang nakita, napatingin siya sa salamin. Kitang kita niya sa repleksyon ng salamin si Abi na nakatayo at duguan. Napasigaw siya sa takot. Agad naman siyang pinuntahan ni James.

"Nakita ko si Abi! Patay na siya!" sigaw ni Enrico.

 "Paano mo nalaman? Kakatawag lang ng mga pulis dito at ibinalita nila na natagpuang patay si Abi." Gulat na sagot ni James.

Magkahalong gulat at takot ang naramdaman ni Enrico ng malaman niya ang masamang balita mula kay James.
Nang mahimasmasan, napagpasyahan muna ni Enrico na manatili sa opisina dahil napakalakas ng ulan sa labas. Nauna na ring umalis si James.
Naidlip muna si Enrico sa kanyang lamesa ng may biglang narinig ulit siyang pag-uusap.
Abi: "Huwag! parang awa mo na!"

Lalaki: "Mamamatay ka!"

Abi: "Huwag!!!"
Nangilabot muli si Enrico ng marinig ang mga boses na iyon. Napagpasyahan ni Enrico na buksan ang computer at magfacebook na lamang upang mapawi ang takot na nararamdaman niya. Nang may biglang lumabas sa chatbox niya na nagpakabog sa puso niya.
Abi: "Tulungan mo ako!"

 Hindi makapaniwala si Enrico dahil kakabalita pa lang na patay na si Abi at bigla itong magchachat sa kanya.

 Enrico: "Ikaw ba si Abi? Patay ka na 'di ba?"

 Abi: "Tulungan mo ako?"

 Enrico: "Nasaan ka?"

 Nawala sa chat si Abi. Isa pa rin malaking palaisipan para kay Enrico kung bakit nagchat sa kanya ang isang namayapa na.

Sumilip si Enrico sa bintana at tinanaw nito ang labas. Masungit pa rin ang panahon sa mga oras na iyon. Sa ‘di inaasahang matanaw mula sa baba, nakita niya si Abi na tumatawa, puno ng dugo ang katawan at basing basa sa ulan. Dahil sa magkahalong gulat at takot, agad sinarado ni Enrico ang bintana.
Naupo at nagpatuloy sa pagcocomputer si Enrico ng may biglang napansin siyang tao na nasa likod niya dahil sa replekyon ng monitor ng computer. Nang siya ay lumingon, nakita niya ang isang tao na nakatalukbong ang mukha na parang si Kamatayan sumasayaw ito ng pandanggo at may dala dalang patalim at alam ni   Enrico sa sarili na handa na siyang saksakin at patayin nito anumang oras.
Mabuti na lamang at agad nasipan ni Enrico na suntukin ang taong iyon at ito ay natumba. Agad agad siyang kumaripas ng takbo. Sinilip at binalikan niya ng tingin ang killer at sa laking gulat niya ay bigla itong naglaho sa kinahihigaan niya na parang bula. Alam ni Enrico sa sarili na hindi pa siya ligtas sapagkat nasa paligid ligid pa ang killer. Napagpasyahan ni Enrico na bumaba ng building at manghingi ng tulong. Dahil sa matinding pagod, siya ay sumakay ng elevator.
Pinindot ni Enrico ang button na "ground floor" at ilang segundo pa lang ang nakalilipas ay nawalan ng kuryente ang elevator. Pagkabalik ng ilaw ay nakita niya sa repleksyon ng pintuan ng elevator ang killer, nasa likod na niya.

"Mamamatay ka!" sigaw ng killer.


Inagaw niya ang patalim na hawak nito. Sinaksak ni Enrico ng paulit ulit ang killer hanggang malagutan ito ng hininga. Napagpasyahan niyang silipin ang mukha nito at sa laking gulat niya, ay si James ang nakita niya.
 Bumukas na ang pintuan ng elevator at nakarating na sila sa ground floor. Laking gulat niya ng makita ang maraming pulis at nakatutok sa kanya ang maraming baril.

"Barilin niyo na!" sigaw ng isang pulis.

 Pinaputukan ng mga pulis si Enrico ng ilang beses, tadtad siya ng bala. Napahiga sa sahig si Enrico. Kitang kita niya ang duguang katawan niya at laking gulat niya dahil suot suot na niya ang damit ng killer at napansin din niya si James na walang buhay at hindi nakadamit ng pang killer.
Ilang minuto palang ay nilagutan na si Enrico ng hininga. Hindi na niya natupad ang matagal niyang pangarap na maging nurse.

"Sarhento, nakuha na po namin ang CCTV ng buong 13th floor at sa elevator." wika ng isang pulis.

 Isinalang ng mga pulis ang CCTV upang imbestigahan at pinanood nilang lahat ang mga eksena. Nang papaalis na si Abi ay sinundan ito ni Enrico sa elevator. Pinukpok niya ito ng gitara sa ulo at dinala niya ito sa banyo at tinadtad ng saksak ang kawawang dalaga. Dinala niya ang bangkay nito sa ilog kasama ang sira sirang gitara na ginamit sa krimen at pinaagos agos. Sa mga sumunod na eksena, habang nagcocomputer si James ay may hawak na hawak na patalim si Enrico at sumasayaw siya ng pandanggo. Sinuntok ni James si Enrico at ito ay natumba. Sumakay si James ng elevator ngunit ‘di niya napansin na nandoon din si Enrico. Doon na binawian ng buhay ang binata. Doon na rin napatay ng mga pulis ang tunay na killer na si Enrico. 

"Sir nakuha na rin po namin ang mga recorded calls ng mga empleyado kanina." wika ng pulis.

Nagmatch at nakaregister ang number na tumawag kay Abi sa number na mula kay Enrico.
Simula noon pinasarado na ang 13th floor sa gusaling iyon. Wala pang nakakaalam kung bakit pinatay ni Enrico ang mga kasamahan sa trabaho.
Naging kapugaran ng takot ang buong 13th floor.


                      









http://www.wattpad.com/4341960-mga-kwentong-kababalaghan-book-2-13th-floor-part-1

http://www.wattpad.com/4464971-mga-kwentong-kababalaghan-book-2-13th-floor-part-2

http://www.wattpad.com/4464994-mga-kwentong-kababalaghan-book-2-13th-floor-part-3

http://www.wattpad.com/4465015-mga-kwentong-kababalaghan-book-2-13th-floor-part-4

                             








14 (na) komento:

  1. Naalis ng isang administrator ng blog ang komentong ito.

    TumugonBurahin
  2. medyo pang movie ang twist kaya magu;o in written format.:)

    TumugonBurahin
  3. Woow!galing...medjo nanindig balahibo ko,at may pagkasuspense ang story...2 thumbs up 4 u nico gonzalez!keep up the good work.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. nalilito rin ako kung bkit si enrico... pro kinabahan tlga akoh... woooo!

      Burahin
  4. wew knilabutan ako dn ng husto cmula ngaun auko n ng # 13 jeje

    TumugonBurahin
  5. bakit naman nagawa ni enriko yun ang gulo nong una si james yung nakita ni enrico na pumapatay/o yung killer tapos sya pala weeewssss nakakakatakot na may kasamang pagkalito pero imferness hhhhhhhaaaa maganda sya

    TumugonBurahin
  6. sana wag gawin nong iba yun

    TumugonBurahin
  7. gets k sya.!
    ganda.!

    TumugonBurahin
  8. galing... kaya lang bitin. :)

    TumugonBurahin
  9. Dko gets ung killer bat ganun?? Pakiexplain!!

    TumugonBurahin
  10. Nabasa kuna din to dti.. True story daw un ehh. Peo babae nmn akala nia asawa nia ung gusto pumatay sa knila kia inunahan nia..pnatay nia asawa nia.. Lumipat cla ng trahan ng mga anak nia.. At isang gabi my pumunta sa knilang tao at ppatayin cla lhat. Nmatay mga anak nia pinag sasaksak..tas sa bandang huli napagtanto nia xa pla ang pumapatay..

    Tagal n ng kwentong un..basta yan ang nangyari.. Para sakin binubulag cla ng mga demonyo na mkta qng ano ang tama. At ang kalimitang gantong pangyayari ay d masyadong malapit sa panginoong dyos.kia madali clng malinlang.

    TumugonBurahin

Natakot ka ba?