Ang mga sumusunod na kwento ay base lamang sa malikhaing pagiisip ng sumulat. Kung may mga pangalan, pangyayari, lugar, o bagay na tumugma sa anumang kwento ay pawang nagkataon lamang.
Sabi sa isang awitin, "Hayaan mong maglaro ang bata sa araw," kayanaman, hinahayaan ng mga magulang ang kanilang mga anak na maglaro sa kalsada upang lasapin ang mga oras bilang mga bata.
Laman na ng kalsada ang mga magkakaibigang sila Caloy, Miko, Sam, Chelsea, Gabby, at Ella. Itinuturing nilang kapatid ang isa't isa. Si Caloy, 16, pinakamatanda sa mga magkakaibigan. Siya ang promotor ng mga laro't kalokohan ng mga magkakabarkada. Si Miko, 15, ang pinakamakulit at laging pasimuno ng mga kalokohan. Si Sam, 15, ang pinakatahimik sa lahat. Hindi magsasalita si Sam kapag hindi mo kakausapin. Si Chelsea, 15, ang pinaka-maarte sa lahat. Sapagkat lagi siyang nagrereklamo sa mga bagay-bagay at dapat lagi niyang nakukuha ang kanyang gusto. Si Gabby, 14, ang pinaka sakitin sa lahat. Madali siyang mapagod dulot ng kanyang hika. Siya ang dahilan kaya maagang natatapos ang kanilang mga laro. Si Ella, 12, ang pinaka bunso sa mga magkakaibigan. Laging umiiyak kapag natatalo sa mga laro nila. Tinatawag nila ang kanilang grupo na "Tropang Astig," dahil sa kaastigan ng kanilang mga miyembro.
Umaga, Tanghali, o Gabi, laman ng kalsada ang Tropang Astig at sila ay naglalaro ng mga iba't ibang larong kalye. Patintero, Luksong Baka, Habul-habulan, Piko, Batuhang bola, at marami pang iba. Hindi sila titigil hangga't hindi hihikain si Gabby.
Dapit hapon iyon ng mapag pasyahan ng Tropang Astig na maglaro ng habul-habulan. Si Caloy ang taya at pinatakbo na niya muna ang mga kaibigan niya sapagkat mabilis itong tumakbo. Nang makalayo na sila, ay nagsimula ng manghabol si Caloy. Napansin niya si Gabby na napatigil sa isang sulok at mukhang hindi makahinga.
"Ano tol, hinihika ka ulit?," tanong ni Caloy kay Gabby.
"Oo nga eh, pero okay na ako nag spray naman na ako ng inhaler," sagot ni Gabby
Nagsibalikan ang mga iba upang tignan ang problema sa kaibigan.
"Napaka Kill joy mo naman Gabby kahit kailan! Ikaw na lang lagi ang dahilan kaya natitigil ang mga laro natin!," pasising wika ni Chelsea kay Gabby.
"Chelsea wag ka namang ganyan! kawawa naman si Gabby. Hayaan na natin. May bukas pa naman eh!," pagtatanggol ni Caloy.
"Sige lang mga kapatid, ituloy niyo lang ang laro niyo. Wag niyo na akong alalahanin." Sagot ni Gabby.
"Oo nga tama si Gabby, ituloy na natin ang laro!," wika ni Miko.
"Sige na mga tol, iwan niyo na lang ako dito at papanoorin ko na lang kayo." Sagot ni Gabby.
"Ano sa tingin mo Sam?" tanong ni Chelsea.
"Okay lang sa akin." sagot ni Sam.
"Tara laro tayong tagu-taguan, pero si Kuya Caloy pa rin ang taya!" wika ni Ella.
"Sige! Huy tol wag kang aalis diyan ha? maglalaro lang kami." paalam ni Caloy kay Gabby.
"Okay lang ako. Sige na." Sagot ni Gabby.
Nagpatuloy ang laro nila.
Nagbilang si Caloy hanggang 10 at dapat naka tago na ang lahat. "1...2...10, game?, game!"
Pagkalingon ni Caloy ay nawala si Gabby sa kinauupan nito. Marahil nasa isip lang nito na umuwi sa bahay, o nakisali sa laro nila at nagtago rin.
Isa isang hinanap ni Caloy ang mga kaibigan niya, hanggang sa isang malakas na tili ang narinig niya. Alam niya sa sarili niya na tili ito ni Chelsea.
Agad niyang pinuntahan ang narinig niya, at sa 'di inaasahan, nakita niya si Chelsea na umiiyak. Agad niya itong nilapitan at tinanong kung bakit siya sumigaw.
"Chelsea, bakit ka sumigaw?" tanong ni Caloy.
"Si Gabby!" iyak na sagot ni Chelsea.
Sa 'di inaasahan, sumambulat sa harap niya ang walang buhay na si Gabby. Wala ng puso at umaagos ang dugo sa buong katawan.
"Caloy! umuwi na tayo! mamamatay tayo dito ng maaga!" pakiusap ni Chelsea.
"Hindi tayo pwedeng umuwi hanggat 'di tayo kumpleto." sagot ni Caloy.
"Bahala ka! basta ako uuwi na!" sagot ni Chelsea.
"Sige... sige... Humingi ka agad ng tulong at sabihin mo na wala na si Gabby. Hahanapin ko pa ang iba." sagot ni Caloy.
"Sige Caloy mag-iingat ka! Mukhang hindi tao ang gumawa nito kay Gabby. Paalam." wika ni Chelsea.
Silang dalawa ay naghiwala na. Agad naman hinanap ni Caloy ang ibang mga kaibigan. Awa ng Diyos, nakita ni Caloy sina Sam at Ella na magkasamang nagtatago.
"Hahahaha ate Sam nahuli na tayo ni kuya Caloy!" wika ni Ella
"Oo nga hahaha." sagot ni Sam.
"Umuwi na tayo at hanapin natin si Miko. Patay na si Gabby at kailangan natin makauwi." sagot ni Caloy. Ikinuwento niya ang buong pangyayari sa dalawa.
"Kuya Caloy uwi na tayo. Huhuhuhu." iyak na sagot ni Ella.
"Tama si Ella, kailangan na nating umalis dito." sagot ni Sam.
"Sak! Ahahahaahaha taya ulit si Caloy!" wika ni Miko.
"Miko! salamat ligtas ka!" wika ni Caloy.
"Kailangan na nating umuwi dahil...----" kwento ni Caloy.
"Alam ko, hahaha ang saya ngang panoorin ni Gabby eh. Hahaha si Chelsea naman malansa ang lasa." wika ni Miko.
"Ano ba ang pinagsasabi mo?" wika ni Sam.
Nagulat ang lahat ng mapansin na puro duguan ang damit ni Miko.
Sa 'di inaasahan, biglang ipinasok ni Miko ang kamay niya sa dibdib ni Sam at dinukot ang puso nito. Para bang isang matalim na bagay ang kanyang kamay.
'Di na nag-aksaya pa ng panahon si Caloy at hinatak niya si Ella at nagmamadaling tumakbo. Sila ay kapwa gulat na gulat sa pangyayaring iyon dahil hindi nila akalain na si Miko ang pumapatay. Sa gitna ng pagtatakbo nila ay tumambad ang katawan ni Chelsea na walang buhay.
Sila ay nagpatuloy sa pagtakbo at nagpahinga sa isang tabi.
"Kailangan nating makaalis dito!" wika ni Caloy.
"Bakit pa? E kung nagugutom ako at ikaw ang pagkain ko?" wika ni Ella.
'Di alam ni Caloy kung nabingi lamang siya sa sinabi ni Ella, ng biglang may nilabas na kung anuman si Ella sa kanyang bulsa.
"Kain ka muna kuya Caloy." wika ni Ella.
Nasindak si Caloy sa nakitang hawak ni Ella, isang duguang puso ng tao ang kanyang hawak. Alam ni Caloy na isa ring halimaw si Ella.
Tumakbo si Caloy at iniwanan si Ella. Hindi pa rin makapaniwala si Caloy na dalawa sa mga kaibigan niya ang halimaw.
Nakabalik ng ligtas si Caloy sa kanilang lugar. Agad siyang nanghingi ng tulong sa mga tao.
Si Caloy lamang ang tanging nakaligtas sa Tropang Astig at hinding hindi niya makakalimutan ang mga tunay niyang kaibigan, lalung lalo na ng mga traydor niyang kaibigang mga halimaw.
oo
TumugonBurahinOhhh my gush,,,scary nman,!
TumugonBurahinohh my crush scary nman at the same time nkaka awa c gabby
TumugonBurahinbut i like the story.
omg grabe nagawa nla iyon sa kanilang mga kaibigan ang sama nman mga walng kaluluwa grbe mga kampon ng dyablo
TumugonBurahinletche takot naman ako dun!
Burahinwew
TumugonBurahinOMG!!!!!! Ano ba 'to nakakatakot.. Tiyak hindi ako makakatulog nito ngayon....
TumugonBurahin