Ang mga sumusunod na kwento ay base lamang sa malikhaing pagiisip ng sumulat. Kung may mga pangalan, pangyayari, lugar, o bagay na tumugma sa anumang kwento ay pawang nagkataon lamang.
Sinasabi na ang mga mata ang isa sa mga pinaka importanteng bahagi ng ating katawan sapagkat maraming bagay ang maaari nating hindi magawa, maraming magagandang bagay na maaaring hindi makita, at mga magagandang pangarap na hindi matutupad. Nagsisilbing bintana ito ng ating pagkatao o kaluluwa ang ating mga mata. Ngunit hindi maintindihan ni Vincent kung bakit ito natawag na bintana ng kanyang kaluluwa.
Si Vincent Madrigal, 17, isang tipikal na teenager, makulit, pasaway, at nag-aaral ng mabuti. Isang matalinong bata si Vincent, at para sa kanyang mga magulang siya ang pinakamabuting anak sa buong mundo sapagkat ni minsan hindi sila binigyan ng sakit ng ulo nito at sa halip pa'y puro karangalan sa eskuwelan ang ibinibigay niya sa mga magulang niya.
Crush ng bayan din itong si Vincent. Ngunit kahit crush siya ng buong eskwelahan niya, hindi pa rin lumalaki ang ulo nito. Ngunit sa dinami dami ng babae sa mundo, isa lang ang tanging nasa puso niya, at yun ay walang iba kundi si Jane.
Tulad ni Vincent, si Jane ay isang consistent honor student at katunggali niya sa pagiging Valedictorian. Si Jane din ay isang campus crush, kayanaman, hindi maipakita ni Vincent ang kanyang nararamdaman kay Jane.
"Tol, ano ka ba? Crush ka din kaya ng bayan, bakit hindi mo subikang ligawan si Jane. Total, maganda siya at guwapo ka, bagay talaga kayo." sabi ng best friend niyang si Lawrence.
"Hindi ko kaya tol, dahil hindi ko pa siya nakakausap kahit isang beses. Graduation na natin sa susunod na buwan at hindi ko pa nasasabi ang nararamdaman ko." sagot ni Vincent.
"Ano ka ba? May panahon ka pang natitira para masabi mo sa kanya ang nararamdaman mo." payo sa kanya ni Lawrence.
"Hindi ko alam kung paano ang gagawin at sasabihin." sagot ni Vincent.
"Ako ng bahala! magaling yata ako sa mga ganyang bagay." sagot ni Lawrence.
Sa gitna ng pag-uusap ng dalawang magkaibigan ay biglang napadaan si Jane sa kanilang harapan.
"Eto na ang pagkakataon mo Vincent. Gawin mo lang ang mga itinuro ko sa'yo, at sigurado akong mahuhulog sa'yo si Jane." paalala ni Lawrence sa kaibigan.
"Hi Jane! kamusta ka?" bati ng binata sa dalaga.
"Ayus lang naman ako. Malapit na ang graduation natin ha? Sino kaya sa atin ang magiging valedictorian?" sagot ni Jane.
"Siguro ikaw, kasi mas magaling ka naman sa akin." sagot ni Vincent.
"Eto naman, hindi kaya! Baka ikaw mas magaling ka sa math." sabi ni Jane.
"Jane siya nga pala, may gagawin ka ba mamaya? Pwede ba kitang mayayang kumain sa labas?" pakabang tanong ni Vincent.
"Oo naman basta libre mo ako ha?" sagot ni Jane.
"Aba siyempre, oo, sure!" di mapakaling sagot ni Vincent.
"Sige mamayang 2pm sa Jollibee sa may SM Centerpoint." sabi ng dalaga.
"Sure. Sige! hindi ako male late." sagot ni Vincent.
"Sige punta muna ako sa library ha? Kitakits mamaya." paalam ni Jane.
"Sige kitakits!" sagot ni Vincent.
"Yes! pumayag si Jane na kumain kami sa labas! Salamat tol sa mga payo mo!" masayang balita ni Vincent kay Lawrence.
"Sabi na sa'yo eh papayag yun basta totoo ka lang sa mga sasabihin mo, wala kang magiging problema. sagot ni Lawrence sa kaibigan.
"Salamat tol!" sagot ni Vincent.
Napakasaya ni Vincent noong araw na iyon sapagkat iyon ang unang pagkakataong mayayaya niya si Jane na kumain sa labas.
Nagpunta si Vincent sa oras at lugar ng tagpuan nila Jane sa Jollibee, SM Centerpoint. Medyo napaaga ang dating ni Vincent sa tagpuan nila ni Jane kayanaman, napagdesisyunan muna niyang maglibot at maghanap ng regalo para sa dalaga.
Napadaan siya sa isang gift shop at nakita niya ang isang cute na teddy bear.
"Sana magustuhan ito ni Jane." sabi ni Vincent sa sarili.
Agad naman bumalik si Vincent sa Jollibee, ng may makasalubong siyang isang matandang babae.
"Mamamatay ka! mamamatay ka!" sabi ng matandang babae kay Vincent.
Hindi makapaniwala si Vincent sa mga sinabi sa kanya ng matandang nakasalubong sa loob ng mall. Sinubukan niyang habaulin ang matandang iyon, ngunit sa isang iglap, ay bigla itong naglahong parang bula.
Hindi na inintindi pa ni Vincent ang matandang nakasalubong at siya ay naghintay na sa Jollibee. Maya maya pa'y nakita na niya si Jane na papapasok sa nasabing tagpuan at abot tenga ang ngiti ni Vincent. Sinalubong niya ang dalagang papapasok ng kainan.
"Kamusta ka? Masaya ako dahil pumunta ka!" wika ni Vincent kay Jane.
"Kamusta ako? 'di ba kakakita lang natin kanina? Hahaha nakakatuwa ka naman." pabirong sagot ni Jane.
Inabot ng binata ang pinamiling regalo para kay Jane.
"Jane regalo para sa graduation natin. Sana ingatan mo yan." sabi ni Vincent.
"Wow! Ang cute naman. Dahil ikaw ang nagbigay, papangalanan ko itong Vincent. Salamat." sagot ng dalaga.
Umupo na sila sa lamesa at tinanong ni Vincent kung ano ang oorderin ni Jane.
"Ano sa'yo?" tanong ni Vincent.
"Kahit ano. Siguro parehas na lang din sa'yo." sagot ni Jane
"Pumunta na sa counter si Vincent at nag-order siya ng dalawang order ng 2 piece chicken joy, 2 Sundae, 2 softdrinks, at 2 french fries. Buhat buhat ni Vincent ang mga inorder niyang pagkain at sa 'di inaasahang makita, natanaw niya si Jane mula sa kinatatayuan na nasa likod ni Jane ang matandang babae na nakasalubong niya kanina at may dala dalang patalim. Handa na niiya itong saksakin patalikod si Jane.
'Di na nag- aksaya pa ng panahon si Vincent at agad niyang pinuntahan si Jane. Binitawan niya ang inorder at sumigaw ng "Jane sa likod mo!"
Naalarma ang buong kainan at agad natuon ang pansin kay Vincent.
Mabuti na lang at may mga dumating na Security guard at naagaw sa matandang babae ang patalim na hawak nito. Pumipiglas pa ang matanda at sumigaw ng:
"Mamamatay ka! Mamamatay kayo!
Agad namang niyakap ni Vincent ang naiiyak na si Jane.
"Huwag kang mag-alala nandito lang ako. Hindi kita pababayaan." sabi ni Vincent kay Jane.
"Salamat Vincent. Sino ba yung matandang yun?" tanong ni Jane.
"Hindi ko alam Jane? Malamang takas sa mental o nasisiraan ng bait." sagot ni Vincent.
Napagdesisyunan ng dalawa na umuwi na lang.
"Jane, hatid na kita sa inyo. Baka ano pang mangyari sa 'yo." yaya ni Vincent.
"Ano ka ba? Okay lang ako." sagot ni Vincent.
"Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may mangyari sa'yo. Di ko hahayaang masaktan ka." sagot ni Vincent.
"Vincent, bakit mo ba ginagawa ito sa akin?" tanong ng dalaga.
"Dahil mahal kita!" sagot ng binata.
Natulala ang dalagang si Jane, hindi makapaniwala sa sinambit ng binata.
"Wait lang ha?, ano po yun sinabi mo? Parang nagkamali ako sa aking narinig? tanong ng dalaga kay Vincent.
"Ang sabi ko Jane, mahal kita! Alam ko hindi pa ito ang tamang oras at pagkakataon para marinig mo ito, pero 'di ko mapigilan ang sarili ko. Sa'yo lang ako nahulog ng ganito Jane." sagot ni Vincent sa 'di makapaniwalang dalaga.
"Ahh.. Ehh... Vincent, matagal ko na ring gustong sabihin ito sa'yo, wala lang akong pagkakataon para masabi sa'yo ito dahil nahihiya ako. Maraming babae ang nakapaligid sa'yo dahil gwapo ka, matalino, mabait. Lahat na siguro ng katangian ng isang ideal boyfriend ay nasa iyo na. Natatakot ako na kapag lumapit ako sa'yo ay baka masaktan lang ako. Vincent mahal din kita." Sagot ni Jane kay Vincent.
Walang mapaglagyan ng tuwa ang naramdaman ni Vincent sa mga narinig mula sa dalaga. Abot langit ang kasiyahan niya na parang dinaig pa ang naka-jackpot sa lotto.
" Ano Jane, edi ibig sabihin ba nito, ay sinasagot mo na ako?" tanong ng binata.
"Obvious ba, sempre oo. Mahal na mahal kita." sagot ng dalaga.
"Mahal na mahal din kita Jane." sabi ni Vincent.
Ang kalangitan ay napupuno ng mga bituin na naghahari at nagliliwanag sa himpapawid. Niyakap ng mahigpit ng binata ang dalaga at ipinadadama niya kay Jane kung gaano niya ito kamahal at kaimportante sa buhay niya. Hindi ipinapakita ni Vincent kay Jane na naiiyak siya sa tuwa, at ganun din naman ang dalaga. Silang dalawa ay lumuluha dulot ng kasiyahan. Natapos ang masayang gabing iyon ng ihatid ng binata ang dalaga sa tinutuluyan nito.
Bago matulog ang dalaga, nagtext si Vicent:
"There are times, when I just want to look at your face in the cold night. I just can't believe that you are mine now," lyrics mula sa kanta na "Forevermore."
Nagreply ang dalaga:
"Oo na Mister, iyong iyo na ako. I love you. Sweet dreams" sagot ng dalaga.
"I love you more." reply ng binata.
Sa kalagitnaan ng panaginip ng binata, imbis na pumasok ang matatamis na sinambit ni Jane sa kanya nung sinagot na siya nito, napanaginipan niya ang matandang babae na nag eskandalo sa mall. "Mamatay ka, mamatay kayo!"
Hindi panaginip ang nangyayari kay Vincent, kundi isang bangungot sapagkat sinasakal siya ng matandang babae. Hindi makahinga ang binata. Gustuhin man niyang sumigaw upang magising sa kanyang bangungot, ngunit hindi niya magawa. Gustuhin man niyang ikilos ang kanyang katawan upang labanan ang matandang babae at makaalis sa bangungot na ito, ay hindi niya magawa. Nawawalan na ngg pag-asa si Vincent na magigising pa siya ng buhay.
Biglang naalala ni Vincent na tumawag sa Diyos upang siya'y tulungan. "Ama namin sumasalangit ka... Amen" dasal ng binata sa kanyang isipan. Parang bulang naglaho ang matandang babae na sumasakal sa kanya. Hapong hapo si Vincent ng magising at agad siyang kumuha ng tubig. Alam niya na sa sarili niya na kamuntikan na siyang mamatay dahil doon. Mabuti ba lamang at 'di siya iniwan ng Diyos. Tinawagan niya si Jane upang kamustahin. Hindi niya kinuwento sa kasintahan ang nangyari sa kanya dahil ayaw niya itong pag-alalahanin pa.
"Hi Jane, goodmorning! I love you." bati ng binata sa telepono.
"Ano ba yan Vincent, hindi halata na mahal mo ako no? Alas tres ng madaling araw tatawag ka? Hahaha sige I love you! Tulog na tayo maaga pa tayo bukas." sagot ng dalaga.
"I love you Jane, you're my forevermore." sagot ng binata.
Hindi na natulog ang binata at hinantay na lang ang pag-sikat ng haring araw.
Abangan ang mga susunod na kabanata
hindi ako natakot natawa pa nga ako eh :D
TumugonBurahinnakakatakot daw? hehe, sana sinaksak nalang kayong dalawa=>
TumugonBurahinanong nakaka takot don? naman
TumugonBurahinLove story ata yan??? Asan ung mata???
TumugonBurahinNonsense ung storya!
TumugonBurahin- Alfie
tarantado wala kwenta.dota nalang tayo tpos gawin mong kwento kung panu ka natalo..tsak papatok yun.pamagatan mo nlang na"isang talunan na maghihiganti sana kaso natusta nga lang."
TumugonBurahinhahahahha.... bobo rin ung matanda ehh.. ang tagal nyang pinatay ang binata.tssskk
TumugonBurahinhindi naman nakakatakot ehhh akala ko namatay ang binata
TumugonBurahinang haba nmn ng kwento pero ok lng more improvement and always thanks to god
TumugonBurahini love it <3
syang bitin eh asn na ung mata d nman nkktakot prang lve ztory.
TumugonBurahinwlang katakot takot
TumugonBurahinaiii...........anu bayan ang bitin aku nlang gagawa ng wakas..
TumugonBurahinhaha natuwa ako sakwento na inlove ako
TumugonBurahinano dw?
TumugonBurahinhaha Lovestory to!
TumugonBurahinHaha... di ako natakot.. lovestory ata yan eh
TumugonBurahinMay mga bago pong kwento?
TumugonBurahinsayang oras ko sa pagbabasa wahahahaha
TumugonBurahin