Mga tagasunod

BOOK 1: "Ang Hagdanan sa Science Faculty- Isang Pagsasalaysay Part 2"


                Naibahagi ni Gng. Maria ang kanyang karanasan noon sa dating paaralang pinapasukan niya  sa Cebu City. Siya ay isang Science Elementary School teacher sa isang prestihiyosong paaralang elementary sa Cebu. Tandang tanda pa niya yung nakita niya pababa sa hagadanan.
               
                 Alas sais iyon ng gabi, kasagsagan ng pagkokompyut ng mga grades ng mga estudyante. Ayon sa kanya, nais daw niyang tapusin ang mga records ng kanyang mga estudyante upang wala na siyang gagawing iba pa sa kanilang bahay.
                
                 Inabot siya ng mga 8:00pm at ang ibang guro ay nagpapaalam na sa kanya at mauuna ng umuwi. Iniwan sa kanya ang susi at kandado ng faculty room dahil siya na lamang ang natitirang tao at huling aalis sa kwartong iyon.
Hindi na nainda ni Gng. Maria na mag 9:00pm na ng gabi at ‘di pa siya natatapos sa kanyang mga ginagawa. Napag-isipan niyang ituloy na lang ito kinabukasan sapagkat sa makalawa na sila magpapasa ng mga grades sheet sa department.

                 Nagligpit na siya ng kanyang mga gamit upang maghanda ng umalis sa paaralan. Napuna niya na halos wala ng tao sa mga buildings at classrooms sapagkat patay na ang mga ilaw. Ilang minuto ay may kung sinoman ang kumatok sa pintuan. Binuksan niya ang pinto at sinabihan siya ng Guard na magsasara na daw siya ng building at kailangan na niyang umalis. Sinabi niya sa guard na mauna na siya at susunod na lang siya.

                Bumalik na ang guard sa security office at si Gng. Maria na lang ulit mag-isa. Nang nakapag ligpit na siya ay pinatay na niya ang ilaw ng science faculty room. Walang ibang ilaw noon dahil pinatay na ng guard ang ilaw ng buong building kaya ginamit na lang ni Gng. Maria ang flashlight ng cellphone niya. Kinandado na niya ang kwarto at binuksan ang ilaw ng flashlight.

                Pababa na si Gng. Maria sa hagdanan at sa ‘di inaasahang dapat makita, naaninag niya ang isang estudyanteng nakatayo sa hagdanan. Hindi siya gumagalaw at nakatayo lang. Nagpatuloy sa pagbaba ng hagdan si Gng. Maria upang lapitan ang estudyanteng iyon at tanungin kung ano ang ginagawa niya doon. “Iha wala ng tao sa taas, umuwi ka na.” Ngunit di makausap ang estudyanteng iyon. Mas lumapit pa si Gng Maria sa estudyanteng iyon at sa pagtapat ng ilaw ng flashlight sa mukha ng estudyante ang nagpatili at nagpatakbo kay Gng. Maria dahil nakita niya na walang mata at puno ng dugo ang mukha ng estudyante.

              Na-alarma ang guard sa tili ni Gng. Maria at dali dali itong pinuntahan ang takot na takot na guro. Ikinuwento ni Gng. Maria ang nakita niya sa guard at sa laking gulat niya, alam ng guard ang sinasabi ni Gng. Maria dahil mismo siya ay pinakitaan ng estudyanteng iyon.

             Naging mainit ang pag-uusap ng mga guro sa bahay ni Bb.L at biglang nai-kwento ni Ginoong Eddie ang nakita niya sa bintana habang siya ay nagtuturo sa kanyang pang-gabing klase.



12 komento:

  1. aaaaaaaahhhhhhhhhhhhh....kung ako ang nasa posisyon nya.....lilipad espiritu ko...

    TumugonBurahin
  2. hAhA!!! wEw!! kUnG aKo NaMaN SiSigAw DiN AkO aT PiPikiT nAh... jEjE

    TumugonBurahin
  3. nakakatakot nmn pro sa school namin my kwentong napapabalita samin na mron dw sa values bldg. .. at sbi 22o dw n mron, krmihan mga kaluluwa ng bata ang nkkta

    TumugonBurahin
  4. nga-nga! katakot..................

    TumugonBurahin
  5. Mga Tugon
    1. kung ako lng sya d na ako pupunta dyan kasi 10 years ol pa lng ko' hehehe kung ako yung nasa kalagayan nya tatakbo at sisigaw atsasabihin sa kasamahan nincin 08

      tugon

      Burahin
    2. francine leigh bbbb. villanueva / niccine08Enero 27, 2014 nang 11:41 PM

      kung ako lng yan di na ako papasok dyan sa science faculty. At sasabihin ko din sa mga katrabaho ko! at mag dadasal para d gambalain at papasalamat ako dhl d nya na ako gagambalain.Pag nakita ko sya sisigaw ako ng malakas katulad nito haaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah! at tatakbo ako ng mabilis at sasabihin ko ang nakita ko.

      10 years old
      francine leigh b. villanueva
      tawag skn niccine:) 08
      leigh mapretty
      sbg")

      Burahin
    3. ..nasanay na ako sa bagay na yan'....

      Burahin
  6. ngulat nman ako s picture.!
    ganda to bshin s kpatid ko..takutin kc.!hahaha
    ganda ng story,very2x.!

    TumugonBurahin
  7. Hindi naman nakakatakot....

    TumugonBurahin
  8. eeeeeeeeehhhhhh kakatakot

    TumugonBurahin

Natakot ka ba?