Mga tagasunod

BOOK 1: "Takbo... Takbo... - Isang Pagsasalaysay Part 4"


       Noong bata pa lang si Sir Gil ay laganap na ang mga kwento tungkol sa mga aswang, tiktik, at tikbalang sa kanilang lugar sa Bukidnon. Tandang tanda pa niya ang mga balita noon na mga taong nabibiktima ng sinasabing Tiktik na umaatake sa mga lumalabas sa gabi.

       Isa sa mga kapitbahay niya ang nakitang patay at wakwak ang katawan na pinaniniwalaan sa lugar nila na inatake ng isang Tiktik. Sabi sa mga kwento, ang Tiktik daw ay isang uri ng aswang na may mahabang dila, nakatira sa mga puno, at kadalasan ay may mahahabang dila. Sila ay kumakain ng laman ng tao. Ang kinaibahan nila sa aswang ay maingay sila at naglalabas ng tunog na "Tik...tik...tik.." Kaya tinawag silang tiktik. Tulad ng aswang, ang Tiktik daw ay pumapatay ng mga buntis na babae at ang sanggol na nas sinapupunan nito gamit ang kanilang mahabang dila na bumubutas sa tiyan mg buntis.

        Isang nakakakilabot ng datnan ng mga tao ang kapitbahay ni Sir Gil na wakwak ang tiyan at walang mga internal organs. Sabi ng mga awtoridad na sumuri sa biktima ay nabiktima daw ito ng mga sindikatong nagbebenta ng mga internal organs at iniwan na lamang ang katawan sa lugar. Ngunit hindi kumbinsido ang mga tao doon at si Sir Gil na pawang tao lamang ang may gawa sa karumal dumal na pagpatay sa kanilang kapitbahay.

        Isang araw inutusan ng nanay ni Sir Gil ang kanilang kasambahay na maghatid ng ulam sa kanyang lola na nakatira pa sa kabilang bayan. Nagpaalam si Sir Gil na sasama sa kanyang Yaya upang makita ang lola nito.

       Alas siyete na ng gabi ng lumuwas na sa kagubatan sina Sir Gil at ang Yaya nito. Ayon kay Sir Gil, dumaan daw sila sa kagubatan na may mga nagtataasang puno dahil mas mapapadali ang pagtahak nila sa kabilang bayan, hanggang sa isang nakakapanindig balahibong tunog ang kanilang narinig. "Tik... tik... tik..."

      Naku pangga, bumalik na tayo dahil baka raw isang mabangis na hayop ang naririnig nila. Napagpasyahan nilang bumalik hanggang sa may nakita si Sir Gil mula sa itaas. "Yaya, ano po yung nasa taas ng puno?," tanong ni Sir Gil sa kanyang Yaya.

       Sa 'di inaasahang dapat makita, tumambad sa Yaya niya ang isang nakakatakot na nilalang na may mabuhok na katawan, madidilaw na mata, mala-paniking pakpak, at isang mahabang dila. Nagsisitili ang Yaya ni Sir Gil ng "Takbo! takbo! isa yang Tiktik!"

      Nagsitakbo ang dalawa sa kalagitnaan ng gubat. Napapansin ni Sir Gil na nagsisilipat lipat ng iba't ibang puno ang Tiktik sa tuwing napapalingon sila. Hanggang sa may nakita silang isang bahay.

      "Tulong tulong! tulungan niyo po kami," nagmamakaawang katok ng Yaya niya. "Anong nangyari?," tanong ng nakatira sa bahay na iyon. "Hinahabol po kami ng Tiktik."

      Agad naman silang pinapasok ng bahay, at doon muna sila tumuloy hanggang sumikat na ang araw.

      Isa pa rin malaking palaisipan kay Sir Gil na kung hindi niya nakita ang Tiktik na nasa taas ng puno, at hindi sila nakatakbo ng Yaya niya, ay malamang sila na ang sunod na biktima ng Tiktik.

       "May iba pa po bang nabiktima ng Tiktik?," tanong ni Bb. L kay Sir Gil.

        "Naku Mam, lumipat na po kami sa Maynila at wala na akong balita pa sa Tiktik na umaatake sa baryo namin.

       "Grabe naman Sir, muntikan ka ng malamon ng isang Tiktik," birong sabi ni Gng. Maria.

        "Naku Mam meron pa akong nakakatakot na kwento noong nag-aaral pa ako ng Clinical Psychology sa isang Unibersidad sa Maynila," sagot ni Sir Gil.

         Nagpatuloy pa ang kwento ni Sir Gil tungkol sa kababalaghang nakita niya noong estudyante pa lang siya ng Clinical Psychology.


21 komento:

  1. Naalis ng isang administrator ng blog ang komentong ito.

    TumugonBurahin
  2. Ano ang pinang-iba ng Aswang, Manananggal, Tiktik, at Wakwak?

    TumugonBurahin
  3. nakakatakot namn

    TumugonBurahin
  4. pangalan...hahahahahhaah

    TumugonBurahin
  5. 3:03 am ng binasa ko toh, katakot ha.

    TumugonBurahin
  6. Sana nagdala sila ng Armalite tapos nang habulin sila, niratrat nila ng Armalite yung tiktik...parang "FIRE AT WILL!" Tapos RATATATATATATATATATATATATTATATATATATTATATATATATATATATATAT!!!! RATATATATATATATTATATATAATATATATATATATATATATATATATATATATAT!!!!! Tignan natin kung nabuhay pa yung Tiktik na kasing bobo mo!

    TumugonBurahin
  7. woow nman ka tkot auko ng lumabaz pg gabi bka m tik tik dn ako jejeje.

    TumugonBurahin
  8. kumain nba yung nag sulat nito??

    TumugonBurahin
  9. hahaha..!pag acue atah hnabol ng titik ttawa tlga acue jejeje j0ke...

    TumugonBurahin
  10. hahaha..!pag acue atah hnabol ng titik ttawa tlga acue jejeje j0ke...

    TumugonBurahin
  11. Pwedi bang dagdagan yung kwento ples

    TumugonBurahin
  12. wala na bang ibang kwento??

    TumugonBurahin
  13. Hindi nmn sobranq nakakatakot!!

    TumugonBurahin
  14. Hahah. Corny;').

    TumugonBurahin
  15. hndi nman nkakatakot..peo,ok sya..more horror story p,plzzzzzz..

    TumugonBurahin
  16. grabe katakot

    TumugonBurahin
  17. yung nakakatakot naman di naman nakakatakot eh

    TumugonBurahin
  18. Ako nakarinig aq isang gabi sa loob ng bahay namin ng Tik...Tik... nag taka lang aq nung karugtong na ng Tik ay Tak kaya Tik Tak Tiktak un pala Wall Clock lang pa namin dahan dahan pa aq nag lalakad.

    TumugonBurahin

Natakot ka ba?