Mga tagasunod

BOOK 1: "Sa Loob ng Morgue- Isang Pagsasalaysay Part 5"



         
           


           Nagpatuloy ang nakakapanidig-balahibong kwento ni Sir Gil noong nag-aaral pa siya ng Clinical Psychology sa isang Unibersidad sa Maynila. Fourth year siya noon sa kursong Clinical Psychology at hindi niya makakalimutan ang nangyari noon sa kanilang practicum.

           Tandang tanda pa niya ng mag-assign ang kanilang professor sa practicum na mag hanap ng isang punerarya at mangalap ng mga iba't ibang impormasyon tungkol sa mga namatay na tao. Hinati sila sa tig-tatatlong grupo at sila ay magtutulungan upang gumawa ng Research paper tungkol sa mga nakalap na impormasyon.

           Naibahagi ni Sir Gil na sila'y hirap na hirap sa paghahanap ng isang punerarya na pagsasa-gawaan ng kanilang research. Tinanggihan sila ng iba't ibang punerarya dahil maaabala lamang sila ng mga estudyante sa kanilang mga trabaho. Hanggang sa isang punerarya sa Quezon City ang malugod na tumanggap sa kanila.

           Sila ay pinabalik ng Sabado ng gabi, mga 8pm iyon. Kasama ni Sir Gil ang dalawa niyang kagrupong babae at sila ay nagtungo sa di nabanggit na punerarya. Nabalot ng takot at kaba sa dibdib ang naramdaman ng dalawang kagrupo ni Sir Gil sapagkat sa pagpasok pa lang sa lobby ng punerarya ay tumambad na sa kanila ang mga hospital beds na may patay na tao na nakahiga at nakatakip ng kumot. Medyo masangsang din ang amoy ng loob dahil sa mga kemikal na ginagamit sa pang-eembalsamo.

           Todo kapit ang dalawang kagrupo ni Sir Gil sa kanya sapagkat hindi sila sanay na makakita ng mga ganung eksena. Sila ay pinapasok na sa Morgue ng manager ng punerarya upang simulan na nila ang pag-iinterview at pangangalap ng mga impormasyon.

          Tandang tanda pa niya ang laman ng Morgue. Isang malaking tangke iyon ng gas, mga bote ng formalin, mga hospital beds, at tatlong malalamig na bangkay na nakahiga sa mga iyon.

           Sinuri ni Sir Gil ang tatlong bangkay na laman ng morgue. Tandang tanda pa niya ang mga hitsura ng mga iyon. Ang isa ay medyo may katabaan at ayon sa embalsamador na sumama sa kanila ay isa daw iyong holdaper na napatay ng mga pulis. Ang pangalawang patay na nasuri ni Sir Gil ay isang batang babae na namatay sa dengue. Nakaramdam siya ng awa dito sapagkat marami pa sanang mga pangarap ang batang iyon na inagaw ng kamatayan.

           Naglakad si Sir Gil papunta sa ikatlong bangkay. Napansin ni Sir Gil na nawala sa loob ng morgue ang mga kagrupo niya. Tinanong niya ang Mamang embalsamador kung nasaan ang mga kasama niya. Sabi niya ay pumunta lang sa CR ang mga kaklase niya.

           Nagpatuloy na sa pagsusuri si Sir Gil. Sinusulat niya sa kanyang notebook ang mga nakakalap na mga impormasyon tungkol sa mga patay sa morgue. Huli niyang nasuri ang huling bangkay sa dulo. Napansin niya ang isang patay na matandang babae. 

          Tatanungin niya sana ang Mamang embalsamador ngunit nawala ito sa loob ng kwarto. Habang naghihintay sa mga kaibigan at sa Mamang embalsamador, sinusulat niya muna ang mga deskripsyon ng matandang babaeng iyon hanggang sa di inaaasahang eksena ang tumambad kay Sir Gil.

           Isang duguang bata ang nakita niya na nakasilip sa kurtina ng operating room. Takot na takot na lumabas si Sir Gil sa loob ng Morgue at nakasalubong na niya ang mga kaklase at siya'y napuna na parang nakakita siya ng multo.

           Kinuwento ni Sir Gil ang nakita niya sa kurtina ng Operating room. Hindi na niya kinuwento sa pamunuan ng punerarya ang kanyang nakita sapagkat baka raw magkaroon lamang ng gulo ay isyu.

          Ang mga gurong bisita ni Bb. L ay nanlamig sa mga kwento ng mga kaibigang guro. Pinayuhan na lamang nila si Bb. L na lumipat ng ibang bahay sapagkat hindi matatahimik ang nilalang na nangugulo sa kanya.

          Nagpasalamat si Bb. L sa pagpunta ng mga kaibigan sa bahay nito. Siya na lamang ang natira sa bahay sapagkat hinatid ng kapatid niya ang mga kaibigan sa sakayan. Hanggang sa isang katok mula sa pinto ang narinig ni Bb. L.

          "Sino yan?" Tanong ni Bb. L, ngunit hindi ito sumasagot at patuloy pa rin sa pagkatok.

           Napagdesisyunan ni Bb. L na buksan ang pinto hanggang sa 'di inaasahan, tumambad sa harap niya ang nakakatakot na maligno na nangugulo sa kanya.

          "Ate, ate, gising!" sabi ng kapatid ni Bb. L. "Ate nahimatay ka! Nakita kita nakabulagta sa pinto natin nakabukas pa." Kinuwento ni Bb. L sa kapatid ang nakita niya.

           Kinabukasan ay hindi na nagdalawang isip pa ang magkapatid at pinag desisyunan na nilang lumipat ng ibang bahay.

            Iniwan nila ang bahay na iyon. Sinubukan nilang ibenta ngunit walang sinuman ang bumibili sapagkat laganap ang balita tungkol sa nakatirang maligno sa bahay, maski sa maliit na presyo wala pa ring tumatangkilik.

            Naging tahimik na ang buhay ng dalawang magkapatid at sila ay namuhay nga masaya at mapayapa.


http://www.wattpad.com/story/1195420-true-paranormal-experience-book-1




18 komento:

  1. hMmM.. Ndi ko NainTinDihAn, Ang GuLo... sA uNa Lng Ung OkAy...

    TumugonBurahin
  2. biglang lumiko angstory....nagulo bigla

    TumugonBurahin
  3. anu ba toh..dba ky sir gil ung topic taz bglang napunta ky Bb. L..ToinkZZZZZ..
    Epic Fail!!!!!

    TumugonBurahin
  4. huh?? bat ganun? sir gil tas naging bb.l?? me ganun? hindi ko maintindihan tsong!

    TumugonBurahin
  5. huh?? bat ganun? sir gil tas naging bb.l?? me ganun? hindi ko maintindihan tsong!

    TumugonBurahin
  6. sabay napunta kay Bb. L ampota...
    matulog ka nga muna ng 4 days straight dre..
    kakapanood mo yan g p*$n kya L na L ka e

    TumugonBurahin
  7. Haha typo error. kinopya lang siguro ung storya.

    TumugonBurahin
  8. kwentong ipis.salsal k muna.tarantado

    TumugonBurahin
  9. boom!!! semplang ang kwento .. ang gulo??!

    TumugonBurahin
  10. hindi ko maintindihan ... ang kwento

    TumugonBurahin
  11. ngee ok n sna kzo bkt bglang ky bb.l ult nbaling ung kwento.

    TumugonBurahin
  12. hindi ko rn naintndhan

    TumugonBurahin
  13. mganda yung story, but nxt time a little bit scary naman ha.
    na gets ko yung kuwento,:)

    TumugonBurahin
  14. ok n sna kuya :-) .. kaso,kay Bb.L agad..

    TumugonBurahin
  15. hahaahahahaha liboga ug story oi!!! tarunga na tsong wa ko ka gets sa imung story wew!!!! hahahahaha mka get over ra mu anah ayaw lang palabi kai mka buang na ai! haahahaha

    TumugonBurahin
  16. Nakakatakot

    TumugonBurahin

Natakot ka ba?