Mga tagasunod

BOOK 1: "Mga Mata sa Larawan ni Manang Rosa"


    

       Malinaw na sa akin ang lahat. Ako ay pinagkalooban ng isang kakayahan na makakita ng mga bagay na hindi nakikita ng iba. Hindi na rin ako yung batang iiyak at sisigaw na lang kung ako ay may nakita o naramdaman kung ano man.
    
       Dahil sa kakayahang ito, ako’y naging matapang at mas napalapit pa sa Diyos hanggang sa isang araw na nagpalundag at bumali muli sa katapangang ito.
     
       Natatandaan ko pa yung buwan ng Nobyembre, 2010 ng isugod sa ospital ang kapitbahay naming matandang babae na si Manang Rosa. Si Manang Rosa ay Lola ng kapitbahay at kaibigan kong si Lea. Siguro mga nasa 80 taong gulang na si Manang Rosa noon. Isinugod siya sa ospital dahil lumobo ang tiyan niya sa hindi alam na kadahilanan.
      
       Nang wala ng magawa ang mga doktor sa kundisyon ni Manang Rosa ay ipina-albularyo siya ng kanyang mga kaanak. Sabi ng albularyo ay may dwende daw na nagalit kay Manang Rosa kayanaman, siya ay pinarusahan.
     
      Nang lumala ang kundisyon ni Manang Rosa sa kasamaang palad, ay hindi na niya kinayanan pa ang kanyang sitwasyon at siya ay pumanaw na. Bilang pakikiramay, kaming magpapamilya ay nagpunta at dumamay sa mga naiwan ni Manang Rosa.

     Pagpasok pa lang ng bahay nila ay may anumang nararamdaman akong kung ano at nakikita na mga puting bolang palutang- lutang na hugis ulap. Sigurado ako na isa sa mga bolang iyon ay ang kaluluwa ni Manang Rosa. Ang hindi ko lang sigurado ay kung bakit mayroon pang iba.
     
      Masasabi ko nang hindi na ako natatakot pa sa mga bagay na kababalaghan ngunit nung makita ko yung isang bagay sa loob ng bahay nila Manang Rosa, bumalik ang kaba at takot na nararamdaman ko, at iyon ang larawan ni Manang Rosa na nakadisplay sa kabaong niya. Hindi ko alam kung bakit ako kinilabutan sa larawang iyon. Basta ang alam ko lang ay naqkatitig siya ng direkta sa aking mga mata. Napagtanto ko na marahil, hindi pa ako ganong kahanda upang makakita at makaramdam ng mga bagong kababalaghan.
    
     Dapit hapon iyon, kasama ko ang apo si Lea, ang naiwang apo ni Manang Rosa upang magbantay sa lamay. Pinakiusapan niya ako na samahan ko siya sapagkat nakakaramdam siya ng takot.
   
      Ilang oras din akong nandoon ng biglang mapabaling ulit ang tingin ko sa larawang iyon ni Manang Rosa na nasa kabaong. Doon na ako muling nangatog sa takot sa mga sumunod kong nakita.
     
     Pabukas-pikit ang mga mata ni Manang Rosa sa kanyang larawan. Naulit iyon ng ilang beses, pabilis ng pabilis ang pagmulat-sara ng kanyang mga mata. Tumayo ang balahibo ko sa mga oras na iyon dahil unang beses kong nakakita ng agnung eksena.
  
     Kinalabit ko si Lea at itinuro sa kanya ang larawan ng kanyang Lola. Tinanong ko siya kung nakikita niya ang nakikita ko ngunit hindi naman daw kumukurap ang mga mata sa larawan ng lola niya. Marahil daw ay baka nahihilo na ako, o ‘di kaya’y inaantok na. Ngunit siguradong sigurado ako sa sarili ko na totoo ang aking nakita.


11 komento:

  1. Mjo nakaka tkot khit nga pg ka kita ko plang sa picture kinilab0tan n ako.

    TumugonBurahin
  2. ha;ayzzzz nakakatakot talaga

    TumugonBurahin
  3. nakakatakot poh ung picture and ung...
    cnasabng makurapkurap dw poh ung mata ni manang rosa
    nakakatakot poh...

    TumugonBurahin
  4. hnde nmn ako natakot

    TumugonBurahin
  5. MEDYO NAKAKATAKOT NG KONTI PATI NA YUNG PICTURE

    TumugonBurahin
  6. -hindi nakakatakot..............

    TumugonBurahin
  7. Bitin ako..

    TumugonBurahin
  8. Totoong picture ba yan ni Manang Rosa? Malamang hinde naman diba?

    TumugonBurahin

Natakot ka ba?