Mga tagasunod

BOOK 1: "Nakadungaw sa Bintana- Isang Pagsasalaysay Part 3"


               

           Si Ginoong Eddie ay isang Home Economics teacher sa isang paaralang elementary sa Quezon City. Namumukhaan niya pa rin ang nakita niya na nakadungaw at nakakapit sa bintana habang siya ay nagtuturo.
             
            Abalang abala sa pagtuturo ng paghahalamanan sa mga Grade 6 students sa isang silid aralan sa ikaapat na palapag ng Belmonte Building si Ginoong Eddie. Mga dakong alas-sais na iyon ng gabi at last period na niya.
               
           Naging mabuhay naman ang pagtuturo niya sa mga Section 1 graduating students na iyon dahil interesado sila sa kanilang topic at halos lahat ay nagrerecite kapag siya ay nagtatanong.
               
          Nang matapos siya sa pag-lelesson niya, naisipan niyang magbigay ng isang pagsusulit sa mga estudyante niya. Namigay siya ng mga test papers at nagpakuha ng ½ bahagi ng papel. Nagbigay lamang siya ng 15 minutes upang sagutan ang pagsusulit na yun.
                
          Bumuhos ang isang malakas na ulan noon. Nang matapos ng magsagot ang mga estudyante ay hindi niya muna hinayaang pauwiin ang mga mag-aaral dahil sa sama ng panahon. Pinasara niya sa mga estudyante ang mga bintana sapagkat pumapasok ang tubig dulot ng mga malalaking patak ng ulan. Naiwang bukas ang isang binatana sapagkat hindi ito nasasara.
            
          Bilang pampalipas oras, nagcheck na lang muna sila ng papel. Inutusan niya ang mga estudyante na magpalitan ng papel at sila ay magche-check na. Si Ginoong Eddie ang magbibigay ng mga tamang sagot. Habang binibigay ang mga tamang sagot ay biglang sumambulat ang isang malakas na kulog at kidlat at sumabay ang pagkawala ng kuryente. Nagsigawan ang mga mag-aaral dahil walang anumang ilaw. Agad namang pinakalma ni Ginoong Eddie ang kanyang mga mag-aaral na umupo lang at huwag tatayo.
                
        Ilang minuto ring nawalan ng kuryente, at ng bumalik na ang ilaw, iyon ang naging hudyat upang kabahan at magsitayuan ang mga balahibo ni Ginoong Eddie. Dahil kitang kita niya mismo sa kanyang dalawang mata ang nakita niya sa bintanang ayaw masara. Isang nilalang na may malaking ulo at malalaking mga mata na nakakapit sa bintana. Takot na takot na itinuro ni Ginoong Eddie ang nakita niya sa mga estudyante at pati sila ay nagsigawan sa sobrang takot. Biglang umakyat ang nilalang na nakakapit sa bintana pataas at hindi na kailanman nagpakita pa sa kanila.
                
      Ang hindi lang sigurado ni Ginoong Eddie at ng kanyang mga mag-aaral kung ano ang nakita nilang iyon.
Nagsi tayuan ang mga balahibo ng mga guro sa kwento ng mga kaibigang guro at biglang nagwika si Sir Gil na baka raw isang Wakwak ang nakita nila Ginoong Eddie sapagkat naka-experience na daw si Sir Gil, kasama ng kanyang yaya noong bata pa siya, na habulin ng isang Wakwak. Ang pag-uusap ng mga guro ay mas nag-init pa.



4 (na) komento:

  1. nakaktakot pala

    TumugonBurahin
  2. Tkot pero i hope na may mas mhaba png kwento.

    TumugonBurahin
  3. mas mahaba pa yung keme keme kesa sa importanteng nangyari. duh?

    TumugonBurahin

Natakot ka ba?